Ang
Kalupi
ni
Benjamin Pascual
I. Awtor
II. Uri ng Panitikan
Ang kalupi ay isang maikling
kwento. Ang maikling kwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayari na kinasasangkutan
ng ilang tauhan sa kwento. Isa itong masining na anyo ng panitikan at
sumasalamin sa realidad na maaaring naranasan ng iba.
III. Layunin
ng Akda
Ang layunin ng may akda ay ang
maipakita ang tunay na pangyayari sa ating iilang lipunan ngayon, ang kawalan
ng hustisya at kahirapan. Ito ay sumasalamin sa realidad na hinuhusgahan ang
isang tao base sa anyo nito. Sa kwentong ang kalupi ay ipinapakita nito ang
isyu ng kahirapan na nararanasan ng iba at ito ang naging dahilan sa ilang
krimen ngayon gaya na lamang ng pagnanakaw.
IV.
Paksa
Ang paksa ng may akda sa
kwentong ang kalupi ay ang maling panghuhusga sa kapwa tao dahil lamang sa
pisikal na anyo nito at maaaring isa sa mga paksa nito ay ang kawalan ng
hustisya.
V. Tauhan
Aling Marta – isang ina na nagsusumikap para sa kinabukasan ng mahirap
nilang pamilya. Mayroon siyang anak na dalaga at tangi niyang gusto ay
makapagtapos ito ng pag-aaral. Siya ay may katandaan na at minsan ay
mainitin ang ulo at minsan ay makakalimutin. Minsan ay may ugaling sinungaling
at mapanghusga.
Andres Reyes – siya
ang gusgusing bata na napagbintangan ni Aling Marta na kumuha ng kanyang
pitaka. Siya ang walang permamenteng tahanan minsan ay nakikituloy lamang ito
sa kanyang tiyahin o lola. Kahit na siya’y mahirap na bata ay hindi ito
marunong magnakaw. Dahil lamang sa maling panghuhusga sa kanya siya ay namatay.
Mga Pulis – sila
ang nag imbestiga kungsino ang nagnakaw sa pitaka ni Aling Marta.
Aling Godyang –
tinderang inutangan ni Aling Marta.
Asawa ni Aling Marta –
matiyagang naghahanap buhay para sa kanyang pamilya at siya ang kumuha sa
pitaka ni Aling Marta na walang paalam.
Anak ni Aling Marta – ang
magtatapos sa hayskul.
VI. Tagpuan
1. Maliit
na barung barung – tirahan ng pamilya ni Aling Marta at ditto
naiwan ang kanyang pitaka
2. Pamilihan – dito
laging namimili si Aling Marta at dito niya nakabangga si Andres at nalamang
wala ang kanyang pitaka sa kanyang bulsa.
3. Kalsada – dito
kinausap ng mga pulis ang bata at dito rin siya binawian ng buhay
VII.
Mga kaisipan ng Akda
Sa ang
kwentong ang Kalupi ni Benjamin Pascual ipinapakita nito ang mapanghusgang
ugali ng lipunan dahil lamang sa panlabas na anyo ng isang tao. Hindi ibig
sabihin na kung mahirap ang isang tao ay pwede na nating sabihing magnanakaw o
may ibang masamang balak sa atin. Sinasalamin din dito sa kwento na mahirap
makamit ang hustisya o ang pagiging patas sa lipunan kapag ikaw ay mahirap. Ang
gusting ipabatid ng awtor sa mga mambabasa ay hindi tamang manghusga tayo sa
kapwa dahil lang sa panlabas na anyo nito at higit sa lahat hindi tamang
magpadalos-dalos tayo sa ating desisyon mas mabuting isipin muna natin nang
maigi.
VIII. Buod
Mataas
na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at
umakmang hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang
lalaki, na sa kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng
bata ay tumama sa kanyang kaliwang dibdib. "Ano ka ba?" bulyaw ni
Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!"
"Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na
nakatingin sa kanya. "Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako,
e." "PASENSYA!" sabi ni Aling Marta. Agad siyang tumalikod at
tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong paninda at
bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang
bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang
kanyang anyo. "Bakit ho?" anito. "E. . .e, nawawala ho ang aking
pitaka," "Ku, e magkano ho naman ang laman?" "E, sandaan at
sampung piso ho." Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala
ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao
ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak
ang kanyang liig. "Nakita ring kita!" ang sabi niyang humihingal.
"Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!"
"Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong
pitaka" May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at
laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay
lumapit ang isang pulis, na tanod. "Iho ano ang pangalan mo?" ang
tanong niya sa bata. "Andres Reyes po." "Saan ka nakatira?"
ang muling tanong ng pulis. Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid
ng nanay ko rito sa Tundo. Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam,
para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta ang kanyang dalagang
magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag hihintay.
"Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng
laman. Angbisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa
likod. "Napahiyaw ang bata sa sakit." Halos mabali ang kanyang siko
at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na bisig ni Aling Marta. Siya
ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na tumakbo, patungo
sa ibayo ng maluwag na daan. Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig ang
malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay
nagdilim sa kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na
anino ng mga mukang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi
siya makapag- angat ng paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat
ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta.
"Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha sa akin." sabing
pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong
pitaka!" Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan
ng isang naroon ay marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni
Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang dumukot ng kuwarta
ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya. "Makaka alis na po
ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis. Naalala
nya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai-
uwi na. Tanghali na sya ay umuwi. Sang ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay?
"E. . . e," Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta. Nag ka tinginan
ang mag-ama. "Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa "Ang
pitaka mo, E naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido
mo at kumuha ako ng pambili ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka
kumuha ng ipangbili mo nyan?" Biglang-bigla anki'y kidlat na gumuhit sa
karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang payat,
"Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid.
At tuluyang nawalan ng malay."